Unang Balita sa Unang Hirit: October 12, 2021 [HD]

2021-10-12 4

Narito ang mga nangungunang balita ngayong TUESDAY, OCTOBER 12, 2021:

- Mga kalsada, lubog sa baha; ilang residente, humingi ng tulong | Nasa 40 ektaryang taniman ng strawberries at mga gulay, binaha | ilang lugar sa Baguio City, nawalan ng kuryente dahil sa malalakas na hangin at ulan | Abot-dibdib na baha, naranasan sa bayan ng sugpon dahil sa umapaw na tubig sa ilog | Ilang residente, nangolekta ng mga inanod na kahoy mula sa umapaw na Cagayan River | Antas ng tubig sa Chico River, tumaas dahil sa walang humpay na ulan
- Marikina, nakaranas ng pag-ulan sa magdamag; antas ng tubig sa ilog, binabantayan
- Malakas na ulan bunsod ng Bagyong #MaringPH, ramdam sa ilang lugar sa Benguet; ilang kalsada, binaha at isinara
- PAGASA Bagyong #MaringPH update
- PNP chief Eleazar: Pambabastos ang ginawa ni Jake Cuenca; kampo ng aktor, maglalabas ng pahayag
- Negosyante, patay sa pamamaril sa loob ng kanyang tindahan; nasa P120-k, tinangay ng mga salarin
- Senator Dela Rosa, sinabihan daw na maghain ng COC sa pagkapangulo dalawang oras bago magsara ang COC filing noong Biyernes
- Mga gustong magparehistro sa Quezon City, madaling araw nagsimulang pumila
- BOSES NG MASA: Gaano kahalaga ang makapagparehistro at makaboto sa #Eleksyon2022?
- GMA REGIONAL TV: Malalaking tipak ng bato at lupa, humambalang kasunod ng landslide | Matinding pagbaha, naranasan sa Cagayan | 26 na bahay, sinira ng buhawi | 6 na bahay, sinira ng malalaking alon
- Pabugso-bugsong ulan, nagdulot ng landslide | Fishing vessel, sumadsad sa dalampasigan dahil sa matataas na alon at malakas na hangin | Baha sa ilang bahagi ng Narra, Palawan, halos lampas-tao na | Iba't ibang ahensya ng gobyerno, nagsasagawa ng rescue operations sa la union | Ilang bahagi ng La Trinidad, Benguet, nakararanas ng matinding baha
- PAGASA rainfall warning kaugnay ng Bagyong #MaringPH
- Ilang lugar sa Ilocos Norte, nawalan ng kuryente matapos patumbahin ng malakas na hangin ang mga poste
- Lalaking nanaksak ng kanyang kumpare sa Tondo, Manila, isinuko ng kamag-anak | Suspek sa pananaksak sa construction worker sa Sta. Mesa, Manila, kinuyog69-anyos na landlord, arestado matapos umanong mangmolestiya ng 12-anyos na bata
- Dam update kaugnay ng Bagyong #MaringPH
- Mga kabataan, desididong makapagparehistro para makaboto sa #Eleksyon2022
- FDA, iginiit na hindi pa kailangan ang mga booster shot ng covid-19 vaccine sa ngayon
- Mga bumibisita sa Manila North Cemetery, dumami matapos ianunsiyong isasara ito sa OCTOBER 29 hanggang NOVEMBER 3
- Sanggol, napugutan umano habang isinisilang sa ospital
- 81-anyos na lolo, nagpakitang-gilas sa skateboarding
- Baby Thylane Bolzico, nagpakitang-gilas sa pagsasalita ng french at spanish